Kinilala ng NLEX Corporation ang galing at husay ni Margarita “Meggie” Ochoa matapos maguwi ng gintong medalya sa jiu-jitsu event sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China, kamakailan.
“With her determination, discipline, and hard work, Meggie achieved another feat as she clinched the Philippines’ first ever gold medal in jiu-jitsu in the Asian Games. She is undoubtedly one of the pillars of the thriving jiu-jitsu as a recognized and growing sport in the Philippines,” sinabi ni NLEX President J. Luigi Bautista.
Si Ochoa ay naimbitahan ng Metro Pacific Tollway Corp. Build as One Management Conference kung saan nakatanggap ito ng insentibong pinansiyal at plaque of recognition bilang pagkilala sa kanyang pagkapanalo.
Bukod sa pagsabak sa mga kompetisyon, ginawa ring adbokasiya ni Ochoa ang pagsusulong sa jiu-jitsu sa mga kabataan at kababaihan para madepensahan ang kanilang sarili sa ano mang uri ng pang-aabuso sa pamamagitan ng kanyang “Fight to Protect” campaign.
Simula 2018, sinusuportahan na ng NLEX ang pagsabak ni Meggie sa iba’t ibang international jiu-jitsu competitions bilang brand ambassador ng kumpanya.