Ang mga swimmers na sina Ernie Gawilan at Gary Bejino parehong nakakuha ng bronze medals sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China noong Lunes, Oktubre 23.

Pumangatlo si Gawilan sa Men’s 200m sa oras na 2 minuto at 52 segundo, habang si Bejino ay nakakuha ng 1 minuto at 12 segundo sa Men’s 100m Freestyle para makuha ang ikalawang bronze medal ng bansa.

Patuloy na maglalaban-laban ang mga Filipino athletes para sa podium slots sa Asian Para Games hanggang Oktubre 28.

“Hindi ko man po na-depensa ang event ko, nag-papasalamat na rin ako na nakagbigay ako ng unang medalya muli sa bayan sa Asian Para Games,” sinabi ni Gawilan.