Naguwi ang jiu-jitsu fighter na si Kaila Napolis ng unang gintong medalya sa 2023 World Combat Games sa Riyadh, Saudi Arabia ngayong Huwebes, Oktubre 26.

Tinalo ni Napolis si Anael Pannetier ng France sa gold medal match ng -52 kilogram na Ne-Waza competition, 2-0.

Ito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa World Combat Games.

Kasalukuyang may pitong medalya ang Pilipinas mula sa World Combat Games, na may dalawang silver mula kina Agatha Wong at Clemente Tabugara, Jr. ng wushu, at apat na bronze mula kina Jones Inso at Thornton Sayan ng wushu, at sina Maria Ratcliff at Fierre Afan ng wrestling.