Kinumpirma ng negosyante at alkalde ng Bacolod City na si Alfredo Abelardo “Albee” Benitez na tuloy pa rin ang plano ng kanyang kumpanya na magtayo ng $500 million casino-resort sa Boracay Island.
“That is exactly what we are asking: What will it take for you to come back in again? It is just a matter of getting comfort level high enough to return,” saad ni Benitez.
Bagamat sinabi niya na ang kanyang kumpanya ay may pagaalinlangan pa rin sa proyekto “because what guarantee can we give them that what happened before won’t happen again.”
Matatandaan, noong 2018, iniutos ng dating Pangulo Rodrigo Duterte na itigil ang pagpasok ng mga bagong casino sa Pilipinas upang maiwasan dahil hindi siya pabor sa sobrang pagdami nito.
Ipinagbawal din ni Duterte ang pagtatayo ng mga casino sa Boracay habang ipinagpapatuloy niya ang planong isara at linisin ang isla sa loob ng anim na buwan.
Isang taon bago ang paglilinis sa Boracay at pagbabawal sa casino, ang Macau-based na Galaxy Entertainment Group Ltd. at ang lokal na kasosyo nito, na nakalista sa gaming firm na Leisure and Resorts World Corporation (LRWC), ay nag-anunsiyo ng planong magtayo ng $500-million casino-resort sa Boracay.