Nasungkit ng sepak takraw team ang bronze medal sa Asian Games, matapos matalo sa Indonesia, 15-21, 25-24, 21-17 sa semifinals ng men’s quadrant event nitong Martes, Oktubre 3, sa Jinhua Sports Centre Gymnasium, China.
Ito ang unang medalya para sa sepak takraw team mula nang sumali ang Pilipinas sa sport noong 1998 edition sa Bangkok, na itinaas ang medal tally ng mga Pinoy sa 9 na bronze medals, at upang makasama ng gold at silver sa ika-20 puwesto.
Ang koponan ay binubuo nina Jason Huerte, Mark Joseph Gonzales, Rheyjay Ortouste, Ron Gabayeron, Jom Rafael, at Vince Torno.
“We’re happy to contribute a medal to the country’s campaign,” sinabi ng sepaktakraw association head Karen Tanchanco Caballero, isa rin sa apat na deputy chief of mission ng Team Philippines. “The athletes worked hard for this.”
Una rito, tinalo ng Pilipinas ang Singapore, 21-8, 21-15, para umabante sa semis.
Ito ang ika-11 medalya ng bansa sa Asiad ngayong taon, matapos ang ginto mula kay EJ Obiena, pilak mula kay Arnel Mandal ng wushu, at walong iba pang bronze medals.