Tinambakan ng Gilas Pilipinas sa simula pa lang ang Qatar, at hindi na muling lumingon pa, sa iskor na 80-41, para pumasok sa quarterfinals stage ng 19th Asian Games nitong Lunes, Oktubre 2, sa Hangzhou, China.

Makakasagupa ng Gilas ang powerhouse team ng Iran sa quarterfinals stage na nakatakda ngayong Martes, Oktubre 3, alas-12 ng tanghali.

Samantala, ang malakas na lundag ni CJ Perez sa huling bahagi ng 3rd quarter ng laro ang naghatid sa Pilipinas sa pinakamalaking kalamangan nito, na 43 puntos, bago ang payoff period, 73-30.

Hindi na nakaporma ang youth Qatar side, na ang pinakabatang manlalaro ay 15 taong gulang pa lamang, nang palubugin ng Gilas sa naturang yugto ng laban.