Sa unang anibersaryo ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid, nanawagan ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na paspasan ang paghuli sa mga nasa likod ng malagim na krimen.
“Syempre ang gusto natin ma-aresto yung alleged mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid, hindi sapat na accessories to the crime lang ang nakakulong so hinahamon natin ang Department of Justice na gawin ang lahat para ma-aresto si Bantag,” ani NUJP Secretary General Len V. Olea sa media, sa kilos-protestang isinagawa ng grupo sa harap ng Department of Justice sa Maynila.
Si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Lapid. Nahaharap na ngayon sa kasong murder si Bantag dahil sa krimen.
Samantala, bukod kay Lapid, nanawagan din ang NUJP ng katarungan para sa iba pang mamamahayag na napatay dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin