Sinabi ni Sorsogon Gov. Jose Edwin “Boboy” Hamor na pinauwi niya ang Filipino punk rock band na Kamikazee bago ang nakatakdang pagtatanghal ng banda sa festival event sa bayan ng Casiguran dahil sa umano’y “attitude problem.”
Pagkatapos ng mga pagtatanghal ng mga banda na I Belong to the Zoo at Imago sa Plaza Escudero, Casiguran Pier Site, noong Linggo, Oktubre 1, pumunta si Hamor sa entablado upang ianunsiyo na pagtanggal ng Kamikazee sa show’s performers lineup.
“Humihingi ako ng paumanhin [dahil] hindi na matutuloy ang Kamikazee,” Sinabi ni Hamor na makikita sa live stream ng kaganapan sa Facebook page ng LGU Casiguran Sorsogon. “Wala tayong magagawa. Bayad ‘yon kaso may mga attitude. Pinauwi ko na sa airport.”
“Nandyan na [sila] kanina kaso may attitude…. Sana maintindihan niyo [na] hindi ko gusto ‘to kaso, ani ni Hamor, pagkatapos ay nagpatuloy sa pakikipag-usap sa banda: “Hindi kayo makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin.”
Dagdag pa ni Hamor, pinagbawalan niya ang Kamikazee na manatili sa accommodation na inihanda para sa kanila at inutusan niya na dumiretso sa airport.
“Hindi tayo pwedeng bastusin mga taga-Sorsogon. Pinipilit ko na itaas ang dignidad ng bawat Sorsoganon pero ‘wag ganon na tayo ay babastusin,”idiniin niya, ngunit piniling huwag ipaliwanag kung bakit na-boot out ang Kamikazee sa kanilang performance. “Alam ko na gustong-gusto niyo [sila] marinig pero sa YouTube na lang kayo.”
Pagkatapos ay isiniwalat ng Public Information Officer ng Sorsogon Dong Mendoza sa isang pahayag sa “24 Oras” na tila hindi nasiyahan si Hamor matapos pumayag ang banda sa isang pictorial sa 16,000 Blue Roses ng bayan ngunit hindi sila nagpakita.