Nagbabala ang American actor na si Tom Hanks sa publiko na mag-ingat hinggil sa isang “scam” na gumagamit ng artificial intelligence (AI)-created image para malinlang ng mga customer na kumuha ng dental plan gamit ang kanyang itsura.
Ayon sa Academy Award-winning actor, may kumakalat na unauthorized AI character niya sa internet at hinihikayat ang mga tao na kumuha ng dental plan.
Ani Tom sa kanyang official Instagram account: “There’s a video out there promoting some dental plan with an AI version of me. I have nothing to do with it.”
Umani na ng mahigit 113,000 likes ang naturang post.
Samantala, bukod sa award-winning actor, biktima rin ng “AI identity theft” ang CBS co-host na si Gayle King.
“People keep sending me this video and asking about this product and I have NOTHING to do with this company…I posted this video promoting my radio show on August 31 (swipe to see the original), and they’ve manipulated my voice and video to make it seem like I’m promoting it… I’ve never heard of this product or used it! Please don’t be fooled by these AI videos,” ani Gayle sa kanyang Instagram post.