Marami ang nabahala dahil sa kakaibang vanilla-flavored ice cream, na may sangkap na plastic bilang pampalasa, sa London, United Kingdom.
Ito umano ang kauna-unahang pagkain na nabuo mula sa plastic waste sa London.
Isang uri ng bacteria ang ginamit ng designer na si Eleoanora Ortolani para ma-convert ang plastic at maging flavoring.
“The bacteria that I’m using in this process are basically engineered to break down the plastic and then transform it into vanillin, which is the molecule responsible for the vanilla flavor,” sabi ni Ortolani.
Nilinaw naman ni Ortolani na dadaan pa sa pagsusuri ang ice cream na may plastic para matiyak na ligtas for human consumption ito, bago ipakain sa tao.
Sa kasalukuyan, itinuturing muna itong art installation sa ‘Guilty Flavors’ sa University of the Art London.