Inihayag ng Emirates Draw na si Freilyn Angob mula sa Pilipinas ang nanalo bilang pangalawang Grand Prize Winner ng FAST5 draw nito.
Ang unang Grand Prize Winner ay inanunsyo 8 linggo pagkatapos ng paglulunsad ng FAST5 draw, at, kawili-wili, ang pangalawang nanalo ay natukoy din makalipas ang 8 linggo.
Nakatakdang makatanggap si Freilyn ng malaking AED 25,000 o katumbas ng P387,425 kada buwan para sa susunod na 25 taon.
Bilang pagsunod sa mga batas ng United Arab Emirates (UAE), ang Emirates Draw ay nangakong tiyakin ang buwanang pagbabayad ng premyong ito sa loob ng 25 taon.
Ang pagkapanalo ni Freilyn ay binibigyang halaga ang reputasyon ng FAST5 sa pagiging pinakamabilis na daan sa pagkakaroon ng financial security.
“I will never forget that moment. I thought to myself again, maybe I won a small cash prize. But when I received the congratulatory email mentioning that I won the Grand Prize, me and my fiancé jumped from joy,” binanggit ni Freilyn.
“We were planning to get married, but my financial condition did not help. This win will end all my worries and give me financial security for a long time,” sabi ni Freilyn sa sobrang saya dahil nasa plano na nila ng kanyang nobyo na magpakasal.
Sa loob ng 10-taong paninirahan ni Freilyn sa UAE, una niyang naging trabaho ay dental nurse bago siya naging laser technician.
“Ang Emirates Draw FAST5 ay nag-aalok ng one-of-a-kind Grand Prize na nangangako ng buhay na walang pag-aalala sa mga darating na taon. Ngayon ay ako at bukas, maaaring ikaw na, kaya patuloy na maglaro at hintayin ang iyong pagkakataon na manalo ng malaki!” mensahe Freilyn sa kanyang mga kababayan na nais rin suwertehin sa buhay.