Muling nagsagawa ng pagpapatrulya ang missile frigate , BRP Antonio Luna (FF-151) ng Philippine Navy sa karagatang sakop ng West Philippine Sea (WPS).
Sa Facebook post ng Philippine Navy nitong Huwebes, sinabi nito, kasama nilang nagsagawa ng patrol operation si Western Command (Wescom) chief Vice Admiral Alberto Carlos.
Kabilang sa kanilang ininspeksyon mula September 22 hanggang 24 ang Pagasa island, Parola, Likas at Lawak.
Ayon sa Philippine Navy, madalas silang nagsasagawa ng naval at air patrols sa WPS upang mabantayan kung may mga foreign vessels, partikular ang China Coast Guard at militia vessels nito, na pumapasok sa teritoryo ng bansa.
Gayunman, hindi aniya nila inaanunsyo kung kailan nila gagawin ang pagpapatrulya para sa kanilang seguridad.
Pinuri naman ni Carlos ang tropa sa kanilang ginagawang pangangalaga sa seguridad sa naturang mga isla.
“Your dedication and commitment are truly commendable, embodying the strength and resolve of our nation,” pahayag ni Carlos.
Ulat ni Baronesa Reyes