Isang oil tanker ang nasunog kaninang umaga sa southbound lane ng Southern Luzon Expressway (SLEX) sa bisinidad ng Sto Tomas, Batangas ngayong Miyerkules, Setyembre 27.

Batay sa ulat ng SLEX, nasunog ang Isuzu oil tank Lorry na may plakang TWH- 240 at minamaneho ni Celso Grefaldo dakong 5:24 ng madaling araw dahil umano sa faulty wiring.

Ang insidente ay nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko kung saan halos isang kilometro ang naging pila ng sasakyan sa nasabing highway.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente bukod sa aberyang dulot nito sa mga motorista na naipit sa traffic Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog na idineklarang fireout dakong 6:48 ng umaga.

Binalaan din ang mga awtoridad ang mga motorista na magdahan-dahan sa kanilang pagmamaneho dahil madulas ang kalsada bunga ng langis na tumagas mula sa nasunog ng oil tanker.

Ulat ni Baronesa Reyes