Inaprubahan na sa ikatlo ang huling pagbasa ng Kamara de Representates and P5.7 trillion national budget para sa 2024 subalit ire-realign ang confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ibang ahensiya ng pamahalaan.
Sinabi ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations, ire-realign ang P650 milyon confidential funds na hinihiniling ni Vice President Sara Duterte para sa OVP at DepEd sa ibang ahensiya na nagtutulong-tulong para maproteksiyunan ang West Philippine Sea laban sa panghihimasok ng Chinese forces.
Naaprubahan ang House Bill No. 8980 para sa 2024 budget matapos makakuha ng 296 affirmative votes habang tatlong kongresista ang sumalungat dito. Ito ay matapos sertipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang HB No. 8980 bilang “urgent bill.”
Naaprubahan ang 2024 national budget matapos ang pitong araw na mainitang talakayan ng mga kongresista, lalo na sa hinihinilng na intelligence at confidential budget ni Vice President Sara Duterte para sa OVP at DepEd.