Nangunguna si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte sa 12 winnable senatorial bets para sa May 2025 national elections, ayon sa resulta ng survey ng research firm Tangere.
Base sa resulta ng survey kung saan 2,400 respondents ang nakibahagi gamit ang mobile app ng Tangere, 62 porsiyento sa mga ito ang “boto” kay Duterte, na sinundan ni ACT-CIS Rep. Raffy Tulfo na may 58 porsiyento.
Kabilang sa mga pumasok sa tinagurang “Magic 12” ay sina dating senador Vicente Sotto III (53 porsiyento), Sen. Imee Marcos (49 porsiyento, 5th), Sen. Bong Go (48 porsiyent, 6th), dating senador Manny Pacquiao (44 porsiyento, 7th), Sen. Pia Cayetano (42 porsiyento, 9th), Sen. Francis Tolentino (40 porsiyento, 10th), Sen. Ronald “Bato” dela Rosa (38 porsiyento, 11th), at Sen. Lito Lapid (36th percent, 12th).
Pasok din sa Top 12 sina dating Manila Mayor Isko Moreno (50 porsiyento, 4th) at natalong vice presidential candidate na si Dr. Willie Ong (43 porsiyento, 8th).
Sumablay sa isang slot si dating Vice President Leni Robredo para makapasok sa Magic 12 matapos makakuha ng 33 porsiyento sa voter preference, ayon pa sa survey ng Tangere.