Tatlong criminology student ng Saint Joseph College sa Maasin City ang sugatan nang tinamaan ng kidlat noong Setyembre 25.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Southern Leyte, nangyari ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa Sunken Garden sa loob ng provincial capitol grounds sa Maasin City.
Dalawa sa mga biktima ang kasalukuyang nagpapagaling sa Southern Leyte Provincial Hospital.
Ang pangatlo, na kinilalang si Jundel Suganob, ay dinala sa Eastern Visayas Medical Center (EVMC) sa Tacloban City.
Sinabi sa ulat na si Suganob ay nawalan ng malay bunsod ng insidente subalit itong nalapatan ng lunas at nasa stable condition na matapos ang ilang oras.
Nasa kapitolyo ang mga estudyante para sa kanilang annual criminology week activities nang biglang kumidlat sa himapapawid at bahagyang tinamaan ang tatlo.