Dahil tapos na ang mandatory na SIM card registration eksaktong 11:59 ng hatinggabi nitong Martes, Hulyo 25, deactivated na ang mga hindi nairehistrong SIM card at hindi na magagamit ang mga ito, ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy.
Pero paliwanag ni Uy, kahit tapos na ang pagrerehistro ay may limang (5) araw na grace period pa para sa reactivation ng mga na-disconnect na SIM cards, bagamat mas masalimuot ang reactivation process.
Base sa pinakahuling datos ng National Telecommunications Commission (NTC), umabot na sa mahigit 105.9 milyon ang kabuuang bilang ng nairehistrong SIM cards.
Katumbas ito ng 63.04% o mahigit 168 milyong SIM cards na pumasok sa target na 100-110 milyong registered SIM cards.