Inamin na sa madlang people ng heartthrob na si Joshua Garci ang relasyon nila ng French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.

Sa interview kay Joshua sa press conference ng “Fruitcake” sa Resorts World Manila, klinaro ng aktor ang namamagitan sa kanila ng magandang atleta.

“Para maklaro na lahat and wala nang maitanong ang lahat. Baka kasi sabihin nila, dini-deny ko ‘yung babae, ‘di ba?” ani Joshua, na kilalang “crush ng bayan.”

“Hindi ko siya dini-deny. It’s just that, ako and her decided not to share it to everyone. Kasi ‘yung relationship na ‘yan ay kami lang naman ‘yung parte dun, e,” direktang sabi ni Joshua.

Paliwanag pa ng aktor, minabuti niyang gawing pribado ang kanilang relasyon ni Emilienne upang maprotektahan din naman ang kanilang pagmamahalan mula sa “gulo.”

“Galing na kasi ako sa iba’t ibang klaseng relationship. Every time na sini-share ko siya sa lahat, parang… nagkakagulo, alam mo ‘yun? Nagiging shaky ‘yung relationship kasi. Parang… this time, mas pinapahalagahan ko ‘yung privacy ko para sa ganung aspect. Ganung klaseng ano… hindi lang dun, pati sa pamilya ko, ‘di ba? Hangga’t maaari kasi, sa panahon ngayon, mas okay kung private na lang tayo,” ayon sa aktor.