Lahat ng pitong miyembro ng K-pop sensation na BTS na sina Jin, RM, Suga, J-hope, Jimin, V at Jungkook ay nag-renew ng kanilang mga kontrata sa ahensyang HYBE, sinabi ng kumpanya nitong Miyerkules, Setyembre 20.
Inihayag ito bagamat kasalukuyang nasa “hiatus” ang ilan sa kanila habang sumasailalim sa mandatory military service sa South Korea.
“Our company has completed the Board of Directors’ resolution to renew the exclusive contracts of seven BTS members,” sinabi ng HYBE, sa isang regulatory filing nitong Miyerkules.
“This fact was judged to be a management matter that could affect the company’s financial status and investor decision-making, and was therefore disclosed,” dagdag pa ng ahensiya.
Mula noong kanilang debut halos 10 taon na ang nakakaraan, ang banda ay dati nang nag-renew ng kontrata sa HYBE noong 2018, na sana ay mag-e-expire sa 2024.
Hindi ibinunyag ng kumpanya ang mga detalye kung gaano tatagal ang bisa ng bagong kontrata o kung kailan ito mag-e-expire. Subalit sa pinakahuling anunsiyo, lumilitaw na ang lahat ng pitong miyembro ng grupo ay mananatili sa label kahit na matapos nila ang kanilang serbisyo militar.
Noong Marso, sinabi ni Bang Si-hyuk, chairman of HYBE at ang mastermind ng BTS, na ang pag-serbisyo ng BTS sa militar ay nagiging hadlang sa global growth ng K-pop.
Ang ikatlong miyembro, si SUGA, ay magsisimula sa kanyang serbisyo sa Biyernes, Setyembre 22.