Ang South Korean actor na si Choi Woo-shik, na nagbida sa award-winning na pelikulang “Parasite,” ay darating sa Pilipinas sa Nobyembre upang makipag-eyeball sa kanyang mga Filipino fans.

Ang fan meet, na tinaguriang “Pinky Promise,” ay magaganap sa SM Skydome sa Quezon City sa Nobyembre 16, sinabi ng event promoter na Grand Larain Productions sa mga social media account nito nitong Miyerkules, Setyembre 27.

Sinabi ng promoter na iaanunsyo nito ang mga detalye ng ticket sales sa susunod na linggo.

Naging tanyag siya ng mga popular na pelikula tulad ng zombie na “Train to Busan” at black comedy na “Parasite,” na gumawa ng history bilang first non-English language movie na naguwi ng Oscar Award para sa “Best Picture.”