Nakaranas ng zero visiblity ang mga residente sa ilang bayan sa Batangas at karatig-lugar ngayong Sabado, Setyembre 23, bunsod ng smog na ibinuga ng Taal Volcano, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Dahil dito, pinagiingat ng mga awtoridad ang mga residente, lalo na ang mga motorista, na magingat sa pagbiyahe sa mga apektadong lugar at siguraduhing naka-turn on ang headlights para maiwasan ang aksidente.
Ayon sa monitoring ng Phivolcs, narito ang listahan ng mga lugar na naapektuhan ng smog:
BATANGAS: Agoncillo, Alitagtag, Balayan, Balete, Calaca, Calatagan, Lemery, Mataas na Kahoy, Nasugbu, San Luis, Santa Teresita, Taal, Tanawan, Tuy
CAVITE: Alfonso, Amadeo, Bacoor City, Carmona City, Cavite City, Dasmariñas, General Emilio Aguinaldo, Mariano Alvarez, Trias, Imus, Indang, Kawit, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, Novelleta, Rosario, Silang, Tagaytay City, Tanza, Ternate, Trese Martires
LAGUNA: Biñan, Cabuyao, Calamba, San Pedro, Santa Rosa
Patuloy na pinag-iingat ang mga mamamayan sa masamang epekto ng smog dahil may nakalalasong kemikal gaya ng sulfur dioxide na nagdudulot ng sakit sa baga kaya dapat palaging gumamit ng face mask.