Naglagay ng mga floating barrier ang China Coast Guard (CCG) sa katimugang bahagi ng Bajo de Masinloc o Panatag Shoal upang mapigilan ang mga mangingisdang Pinoy na makapasok at makapangisda sa nasabing karagatan.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo, Setyembre 24.
Ayon sa PCG ang floating barried ay tinatayang maynhabang 300 metro at nadiskubre ng mga tauhan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Biyernes habang lulan ng Datu Bankaw at nagsasagawa ng maritime patrol mission sa Bajo de Masinloc.
“Three (3) CCG’s Rigid Hull Inflatable Boats (RHIBs) and Chinese Maritime Militia’s service boat installed the floating barrier upon arrival of the BFAR vessel in the vicinity of the shoal. It was reported by the Filipino fishermen that the CCG vessels usually install floating barriers whenever they monitor a large number of Filipino fishermen in the area,” pahayag ng PCG.
Ayon sa ulat, 50 fishing boats na pag-aari ng mga Pinoy ang namataan ng BFAR sa Bajo de Masinloc habang nagsasagawa ng routine maritime patrol. Ang naturang mga mangingisda ay binigyan ng mga grocery items at fuel subsidies mula sa gobyerno upang matustusan ang kanilang operasyon.
Sa gitna ng pagpapatrulya ng BFAR, apat na CCG vessels ang nagpalabas ng 15 sunod-sunod na radio challenges upang itaboy ang kanilang mga barko, gayundin ang mg fishing vessels ng Pinoy.
“The CCG crew alleged that the presence of the BFAR vessel and Filipino fishermen violated international law and the domestic laws of the People’s Republic of China,” paliwanag ng PCG.
Sinagot naman ng barko ng BFAR ang radio challenge at sinabing nagsasagawa sil ng routine patrol sa teritoryo ng Bajo de Masinloc. Kaugnay nito, kapwa kinundina ng BFAR at PCG ang hakbang ng CCG sa paglalagay ng floating barrier sa lugar.
Ulat ni Baronesa Reyes