Patay ang isang rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos na mabangga ng rumaragasang truck ang sinasakyang motorsiklo nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 20, sa National Highway ng Tupi, South Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Artchie Labydaga,36, driver ng motorsiklo, may-asawa at residente ng Purok Tukalabong, Barangay Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato.

Isinugod naman sa Tupi Municipal Hospital ang backrider ng biktima na si Richie Labaydaga, nasa hustong gulang. Sumuko naman sa mga alagad ng batas ang driver ng trucka na si Chrisnel Diez Tanduyan, 31-anyos at residente ng Barangay Gatub Lakewood, Zamboanga del Sur.

Batay sa ulat ng Tupi Polic Station, ang isnidente ay naganap dakong 10:50 ng gabi sa National Highway ng Barangay Polonuling .

Lulan ang mga biktima ng isang motorsiklo patungo sa Koronadal City nang mabangga ng Isuzu forward truck na minamanaho ni Tanduyan.

Nadala pa ang mga biktima sa pagamutan subalit hindi na nailigtas ang driver habang sumuko naman sa mga pulis ang driver ng truck na nakabunggo sa kanila.

Ulat ni Baronesa Reyes