Sinabi ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman at Executive Officer Ralph Calinisan na magsasagawa ang Napolcom ng moto proprio investigation o sarili nitong imbestigasyon sa posibleng pananagutan ng isang policewoman na itinuturong may ari ng baril na ipiniutok ng isa sa dalawang estudyante sa kanilang kaklase sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong Lunes, Hunyo 22.
“She has a lot of explaining to do,” pahayag ni Calinisan.
Ayon kay Calinisan, naatasan si Napolcom Regional Office 8 Director Risty Sibay na pangunahan ang imbestigasyon sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) sa naganap na pamamaril kung saan tatlo ang kumpirmadong nas@wi habang 20 iba pang ang sugatan.
“Based on initial findings, the Glock pistol used in the shooting incident belongs to the policewoman who was the aunt of one of the suspects,” sabi ni Calinisan sa statement ngayong Martes.
“This intentional or negligent act of the policewoman in allowing her nephew to use her issued firearms led to the de@th of three teenagers, and the wounding of many others,” aniya.
Sinabi ni Calinisan na posibleng maharap sa kasong grave misconduct o grave neglect ang policewoman na may katapat na parusang suspensiyon, demotion, o pagsibak sa police service.
