Umabot na sa 61 indibiduwal ang naitalang nasawi matapos ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao nitong Hunyo 8, ayon sa pinakahuling update ng Office of Civil Defense (OCD).

Sa ulat ngayong Sabado ng umaga, Hunyo 13, sinabi ni OCD Assistant Secretary at Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV na bumaba sa 33 ang bilang ng mga nawawala mula sa naunang 40 matapos ma-validate na ang ilan ay natagpuan na at posibleng naidagdag sa mga naitalang nasawi.

Samantala, halos 4,000 aftershocks na ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng naturang pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *