Muling nagkainitan sila Makati City Mayor Abigail Binay at Taguig City Mayor Lani Cayetano sa usapin sa pagmamay-ari ng mga pasilidad at kagamitan ng gobyerno sa pagsasalin ng hurisdiksiyon ng 10 “Embo” barangays sa Taguig.
Sa panayam ng DZBB, aminado si Binay na hindi naging Maganda ang kanilang paguusap ni Cayetano nang magtagpo sila sa Department of Education (DepEd) office kahapon, Setyembre 20.
“Ang kanilang (Cayetano camp) interpretasyon ay sila ang may-ari pati ang government facilities” Makati City Mayor Abigail Binay.
Sinabi ni Binay na hindi niya nagustuhan ang umano’y binitawang salita ni Mayor Lani na ang Taguig na may-ari ng lahat ng government facilities at equipment na pinondohan ng Makati sa 10 barangay na ililipat ang hurisdiksiyon sa Taguig City.
“Sige kung kayo ang may-ari, hindi kayo magbabayad?” tanong ni Binay sa mga Cayetano.
“Bilyon po ang in-invest ng Makati para i-develop at magtayo ng mga infrastructure sa mga lugar na ‘yan,” giit ni Binay.