Nai-turn over na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang handheld ticketing devices sa lungsod ng Taguig, Pasay at Marikina bilang paghahanda sa full implementation ng Single Ticketing System (STS).
Pinangunahan ni MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas ang pamamahagi sa Taguig City na tinanggap ni Mayor Lani Cayetano at mga opisyal nito sa city hall, at Pasay City na isinalin sa pangangalaga ni Mayor Mayor Mayor Imelda Calixto-Rubiano.
Sa Marikina, ang mga STS devices ay tinanggap naman ni Marikina City Administrator Janet Obispo.
Kabilang sa ibinigay ng MMDA Management Information Systems Staff (MISS) sa dalawang LGUs ay 30 handheld ticketing devices, server, server rack, UPS, workstations, printers, software, at 60 piraso ng SIM cards.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng pilot run ang MMDA sa pagpapatupad ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) bilang paghahanda sa full implementation nito sa mga susunod na panahon.
Ang unang yugto ng pilot run para sa STS ay sinimulan sa Manila, Parañaque, Caloocan, Quezon City, San Juan, Muntinlupa at Valenzuela noong Mayo 2, 2023.