Darating ang “Disney Princess – The Concert” sa Manila, Cebu, at Davao para sa serye ng mga pagtatanghal sa Nobyembre.

Sa Maynila, gaganapin ang mga pagtatanghal sa Nobyembre 18-19, na may dalawang time slot na ala-3:00 ng hapon, at ala-8:00 ng gabi.

Ang mga pagtatanghal gaganapin sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati.

Samantala, sa Nobyembre 21, magkakaroon din ng show ang Disney sa SMX Convention Center sa Davao City.

Sa Cebu, ang show ay sa November 22 , ala-8:00 ng gabi sa Waterfront Hotel.

“Be our guest for a magical concert celebrating the music of every Disney Princess, performed by Broadway and television stars,” inanunsyo ng concert promoter Wilbros Live ngayong Miyerkules, Setyembre 20.

“Whether you’re reliving your VHS glory days, dressing up in your favorite royal attire, or sharing the joy with your loved ones, ‘Disney Princess – The Concert’ is an unforgettable celebration not to be missed,” dagdag pa nila.

Ang mga ticket sa mga palabas sa Maynila ay ibebenta sa Setyembre 30 sa pamamagitan ng TicketWorld.com.ph, habang ang para sa Cebu at Davao ay mabibili sa SMTIckets.com.