Pagkatapos ng dalawang taong pagsasama, opisyal na naghain ng divorce sina American singer-actress Ariana Grande at real estate na si Dalton Gomez, na binanggit ang “irreconcilable differences.”

Ayon sa isang ulat mula sa People, si Ariana ang unang naghain ng petisyon, at si Dalton ay nagsampa ng tugon kaagad pagkatapos.

Ang mag-asawa ay iniulat na naghiwalay noong Hulyo, ngunit ang paghahain ng diborsyo ay nangyari pagkalipas ng dalawang buwan dahil sila ay iniulat na “taking their time together to slowly work through the details of the agreement privately.”

Ang dating mag-asawa ay naiulat na nagsimulang mag-date noong Enero 2020. Ikinasal ang dalawa noong Mayo 2021 pagkatapos ng limang buwan na engaged.

Isinapubliko ang kanilang hiwalayan noong Hulyo 17, na may mga source na nagsasabing nililigawan ni Grande ang kanyang “Wicked” co-star na si Ethan Slater.

Samantala, naghain umano si Slater ng divorce sa kanyang asawang si Lilly Jay noong Hulyo.

Nananatiling tikom ang bibig nina Grande at Slater hinggil sa isyu.