Bumaba ng apat na porsiyento ang importasyon ng karne sa bansa sa unang walong buwan ng 2023 dahil mas kaunting kumonsumo ng baboy at baka ang mga Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng pandaigdigang pamilihan.
Bumaba ang volume ng imported meat sa 817.35 milyong kilo mula Enero hanggang Agosto ngayong taon mula sa 851.84 milyong kilo sa parehong panahon noong nakaraang taon, batay sa pinakahuling datos ng Bureau of Animal Industry (BAI).
“Importers are now feeling the effects of the low consumption coupled with high prices abroad,” sinabi ni Meat Importers and Traders Association (MITA) president emeritus Jesus Cham.
“Market has been very tough and [we] hear [that] many importers are lying low. It would not be surprising for importers to be more conservative,” dagdag pa ni Cham.
Noong Agosto, ang Pilipinas ay nag-import ng 115.11 milyong kilo ng karne, na bumaba ng 1.5 porsyento mula sa nakaraang taon.
Ngunit ang dami ng na-import na produktong karne noong nakaraang buwan ay bumuti mula sa dami noong Hulyo, na nagtapos ng tatlong buwang pagbaba nito.
Para sa 8-month period, ang pag-import ng baboy ay bumubuo ng halos 50 porsiyento ng kabuuang dami, bumaba ng 12.7 porsiyento. Ito ay sinundan ng manok na may 35.4 porsiyento, tumaas ng 18.3 porsiyento. Bumili ang Pilipinas ng 91.68 milyong kilo ng beef, na bumaba ng 16.7 porsiyento.