Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi maaaring gamitin ang fuel subsidy sa ibang bagay dahil nakalaan lamang ito bilang pambayad sa mga piling gasolinahan para makabili ng produktong petrolyo.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, lahat ng mga pampublikong sasakyan, maliban sa mga truck-for-hire, ay maaaring makatanggap ng fuel subsidy.
Dagdag ng ahensya, ang halaga ng subsidiya na nakalaan para sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan ay magkakaiba dahil nakadepende ito sa dami ng konsumo na kinakailangan ng kanilang pampublikong sasakyan.
Para sa iba pang detalye hinggil sa pagpapatupad sa Fuel Subsidy Program, tumutok sa mga official social media accounts ng LTFRB.