Napabilang ang mga tradisuyal na putaheng Pinoy na pancit malabon, pancit canton at pancit bihon sa ‘50 Best Stir-Fries in the World’ ng food website na Taste Atlas.
Noong Setyembre 15, inilabas ng international food database ang listahan nito ng Top 50 Stir-Fries, kung saan tampok ang pancit Malabon, canton, at bihon, kasama ang mga rekomendasyon kung saan makikita ang mga ito.
Pumuwesto sa ika-22 ang pancit Malabon na may 4.2 rating. Ito ay inilarawan bilang isa sa mga tradisyonal na stir-fried noodle dish na inihanda gamit ang makapal na rice noodles at ibinuhos sa isang flavorful shrimp-infused sauce, ayon sa TasteAtlas website.
Ang iba’t ibang recipe na ito mula sa Malabon ay madalas na inihahain na may halong seafood.
Pancit bihon naman ay pumalo sa ika-34 sa ranking.
Ang variation na ito ay inihanda gamit ang rice noodles na niluto na may inihalong hiniwang baboy o manok at gulay.
Sa pamamagitan ng four-star rating, ang bersyon na ito ay isang pangkaraniwang mahahanap sa mga street food stall sa buong bansa.
Bahagyang nasa ibaba ng pancit bihon ang pancit canton, na pumasok sa ika-36.
May 3.9-star na rating, pinagsasama nitong Chinese-influenced variation ang dilaw na wheat noodles na may iba’t ibang karne, seafood, at gulay, na lahat ay hinaluan ng malasang sarsa na gawa sa soy at oyster sauce.