Ayon sa bagong poll ng Social Weather Stations (SWS), ang pagbibigay ng pera ang nangunguna sa listahan ng ‘best gift’ para sa mga Pilipino sa darating na Araw ng mga Puso sa Miyerkules, Pebrero 14.
Sumagot sa survey ng SWS ang mahigit 1,200 Pilipinong respondent sa buong bansa mula Disyembre 8 hanggang 11 kung ano ang gusto nilang matanggap ngayong Araw ng mga Puso 2024.
Ito ang mga regalo na nais matanggap ng mga Pinoys sa Araw ng mga Puso:
- Money — 16%
- Love and Companionship — 11%
- Flowers — 10%
- Apparel (eg. clothes, shoes, bags) — 9%
- Any gift from the heart — 5%
- Mobile phone — 5%
- Watch and jewelry — 5%
- Good family relationship — 5%
- Food and grocery items — 3%
- Chocolates — 3%
- Health of loved ones — 3%
- Motorcycle and other motor vehicles — 2%
- Appliances — 2%
- Greeting (through cards or in person) — 1%
- Kiss — 1%
- A child — 1%
- Date or dinner — 1%
- House — 1%
- Cake — 1%
- Stuffed toy — 0.4%
- Wedding — 0.3%
- Alcoholic drink — 0.3%
- Perfume — 0.3%
Ang mga respondent sa survey ng SWS ay mga Pilipinong nasa hustong gulang na may edad 18 taong gulang pataas.
Sa tala ng SWS, na 12% ay hindi nagbigay ng anumang sagot, habang 2% ang nagbigay ng iba pang mga sagot na hindi kasama sa ulat.