Nananawagan si Diocese of Iba Bishop Bartolome Santos, Jr. sa mga mananampalataya na isantabi ang kanilang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso para sa Ash Wednesday ngayon, Pebrero 14.

“Itong taon lang naman po ito, kaunting sakripisyo. Ilipat niyo na lang ho yung inyong Valentine’s Day isa ibang araw. Huwag niyong gagawin na ang Ash Wednesday ay Ash Thursday, okay?” ayon kay Diocese of Iba Bishop Bartolome Santos, Jr.

Hinimok ni Santos, sa isang video, ang mga Katoliko na tumutok sa pakikiisa sa mga paghihirap ni Hesukristo, lalo na sa panahon ng Kuwaresma.

“Eh kung magva-Valentine’s Day kayo, anong gagawin ninyo? Magla-lablayp kayo, saan kayo pupunta? Walang sakripisyo diba?” sabi ni Santos.