Nakatakdang simulan ng BTS member na si Suga ang kanyang mandatory military service sa Biyernes, Setyembre 22.
Ayon sa pahayag ng BIGHIT MUSIC nitong Linggo, Setyembre 17, sasailalim si Suga sa military training simula sa Setyembre 22.
“There will not be any official events taking place on the day he starts his service or on the day he enters the training camp,” sumulat ang BIGHIT MUSIC sa app na WeVerse.
“We kindly ask fans to refrain from visiting Suga at his workplace during the period of his service,” the statement read. “Please convey your warm regards and encouragement in your hearts only.”
“Our company will also strive to provide all the support that he needs during this time,” saad ng BIGHIT MUSIC.
Noong nakaraang buwan, sinimulan ni Suga ang pagproseso ng kanyang pag-enlist sa militar.
Si Jin, ang pinakamatandang miyembro ng BTS, ang unang miyembro na nagpatala sa South Korean military noong Disyembre 2022. Sinundan siya ni J-Hope, na nag-enlist noong Abril 2023.
Ang BTS, na binubuo nina Jin, Suga, RM, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook, ay nakatakdang muling magtipon bilang isang grupo sa taong 2025.