Ang sub-unit ng Seventeen na BSS o BooSeokSoon, P-pop kings SB19, at all-Filipino global group na HORI7ON ay magdaraos sa star-studded Asia Artist Awards 2023 sa Philippine Arena sa Disyembre 14.

Inanunsiyo ngayong Setyembre 18 na ang subunit ng Seventeen na BSS (DK, Hoshi, at Seungkwan), Filipino global groups na SB19 at HORI7ON, Oneus, Kingdom, ATBO at LUN8 ay lalabas sa 2023 AAA na gaganapin sa Disyembre 14, sa the Philippine Arena.

Ang SB19 at HORI7ON ay mga unang Filipino acts na napabilang sa mahabang listahan ng mga dadalo.

Si Jang Won-young ng IVE ang tatayong host sa awards night kasama ang soloist na si Kang Daniel, at Sung Han-Bin ng ZEROBASEONE.

Ang AAA ay dinaluhan hindi lamang ng mga Korean performers, kundi pati na rin ng iba pang Asian artists.

Magsisimula ang pagbebenta ng ticket sa Nobyembre 12.