Sinimulan na ni Miss Saigon Lea Salonga ang pag-eensayo kasama ang iba pang cast ng West End na muling naghahanda ng Stephen Sondheim tribute na “Sondheim’s Old Friends.”

Sa isang video na ipinost sa Facebook page, sinabi ni Salonga kung gaano siya kasaya na makasama sa naturang kumpanya.

“It’s not often you get to gather a cast like this to sing this incredible material. This kind of gathering of actors and singers, it doesn’t happen very often. Better come and see this,” saad ni Lea.

Noong Pebrero nang inanunsyo na sasali si Salonga sa “Sondheim’s Old Friends,” na magkakaroon ng limitadong 16 na linggong pagtatanghal sa Gielgud Theatre, ngayong buwan.

Bukod sa Salonga, tampok din sa production sina Bonnie Langford, Marley Fenton, Julia McKenzie, Bernadette Peters, Matthew Bourne, Joanna Riding, Jeremy Secomb, Bella Brown, at Harry Apps.

Kasama rin nila ang Filipina-British actress na si Christine Allado, Beatrice Penny-Touré, Jason Pennycooke, Gavin Lee, Bradley Jaden at Janie Dee.