Papalitan ng Meralco Bolts ang Barangay Ginebra sa East Asia Super League (EASL) na magsisimula sa susunod na buwan.
Ayon sa website ng Philippine Basketball Association (PBA), papalitan ng Bolts ang binakante na slot ng Ginebra, na abala sa paghahanda para sa 19th Asian Games sa China.
Ang Ginebra ang naging pangalawang koponan na nag-pull out sa EASL kasunod ng pagbuwag sa Hong Kong-based squad Bay Area Dragons.
Kasama ng Meralco ang TNT Tropang Giga bilang mga kinatawan ng Pilipinas sa regional league.
Ang TNT ay nasa Group A kasama ang mga kampeon ng Korean Basketball League na sina Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters, Chiba Jets, at mga kampeon ng P. LEAGUE na Taipei Fubon Braves.
Samantala, ang Bolts ay nasa Group B kasama ang mga grupong Japan B League champions Ryukyu Golden Kings, Seoul SK Knights, at New Taipei Kings.
Magtatampok ang season ng EASL ng 28 laro na magsisimula sa Oktubre 11 hanggang Marso 10, 2024.