Kilalanin ang look-alike ng NBA Superstar Stephen Curry na si Sherwin Altagracia o mas kilalang si “Stepping Curry.”

Nakuha niya ang atensyon ng mga basketball fans dahil halos kahawig niya ang itsura ni Curry – mula sa ayos ng buhok, facial hair, hanggang maging ang kanyang signature moves.

Ang hindi lang niya napantayan ay ang tangkad ni Curry.

“Naglalaro po ako ng basketball po sa half-court namin, tapos bigla akong inasar ng tropa ko na ka-look-alike ko raw si Steph Curry,” aniya sa ulat sa State of the Nation ng GMA-7 noong Biyernes, Setyembre 15.

Ang pagkakahawig na ito sa Golden State Warriors star ay nakakuha sa kanya ng mga imbitasyon sa exhibition games at mga events.

Gayunman, ibinunyag niya na fan talaga siya ng isa pang NBA star.

“Idol namin si Kyrie Irving.”