Nagmarka sa kasaysayan si Pope Leo XIV bilang kauna-unahang Santo Papa na bumoto sa halalan sa United States matapos siyang magsumite ng mail-in ballot para sa November 3 midterm elections.

Ayon sa Vatican, ipinadala ng 71-anyos na pontiff ang kanyang balota sa Chicago, Illinois, kung saan siya ipinanganak.

Ginamit din ni Pope Leo ang kanyang birth name na Robert Francis Prevost sa pagboto.

Binigyang-diin naman ng Vatican ang paniniwala ng Santo Papa sa karapatan at tungkulin ng bawat mamamayan na makilahok sa demokratikong proseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *