Hinamon ni House trial spokesperson at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong si Vice President Sara Duterte na maglabas ng mga dokumentong magpapaliwanag sa umano’y iregularidad sa mga financial records nito.

Ipinrisinta ni Adiong ang bagong computation, kung saan tinanggal ang mga halagang mula sa business interests ni VP Sara at asawang si Atty. Manases ‘Mans’ Carpio.

Ayon kay Adiong, nasa ₱463,046,459 pa rin ang halagang kailangan umanong ipaliwanag ng Bise Presidente.

Kabilang sa naturang halaga ang discrepancy sa pagitan ng identified personal-account inflows at declared income ng mag-asawa.

Matatandaang sa orihinal na report ni forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera, may tinatayang ₱817.87 milyon na hindi umano naideklarang yaman at kita ng mag-asawa mula 2022 hanggang 2025.

“Saan po nanggaling ito at paano po kayo naka-accumulate ng ganitong halaga ng pera?” tanong pa ng kongresista.

Inaasahan namang magpapatuloy ang impeachment trial laban sa Bise Presidente sa Nobyembre 9, kung kailan nakatakdang simulan ng depensa ang paglalahad ng kanilang mga ebidensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *