Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IX (Zamboanga Peninsula) na umabot na sa 800 ang bilang ng Pinoy deportees mula Malaysia ang dumating na sa Zamboanga City Port alas-8 ng gabi nitong Biyernes, Oktubre 30.

“Their arrival marked the second batch of deportees received this year since repatriation operations resumed, following the arrival of the first batch in January 2026,” ayon sa DSWD Field Office IX.

Sinabi ng DSWD na ang mga ito ay mula sa detention centers ng Sandakan, Papar at Tawau sa Malaysia at ang mga ito ay bumubuo ng second batch ng deportees na tinulungan ng gobyernong Marcos nang magsimula ang repatriation operations noong Enero.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 589 adult males, 89 adult females, 64 lalaking kabataan, at 58 kababaihang kabataan na pawang 12 anyos pababa.

Inilipat na ang deportees sa pangangalaga ng DSWD Processing Center for Displaced Persons (PCDP) upang sumailalim sa assessment at processing para matukoy ang kani-kanilang pangangailangan bago sila tulungang makabalik sa piling ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *