Nagpahayag ng determinasyon si dating senador at eight division world boxing champion Manny Pacquiao na sumabak sa 2024 Olympics.

“From the very beginning, ang pangarap at puso ko ay makakuha ng gold medal sa Olympics,” ayon kay Pacquiao.

Inihayag ito ni Pacquiao kasabay ng paglulunsad ng kanyang bagong proyekto na Maharlika Pilipinas Volleyball Association na ginanap sa Pasay City noong Biyernes, Setyembre 15.

“I’m waiting for that. Excited naman ako dyan,” giit ni Pacman.

Aniya, sa edad na 16 habang nagsisimula pa lang siyang sumikat sa mundo ng boxing, pinangarap na ni Pacquiao na makasali sa Olympics. Siya ay 44-anyos na ngayon.

“Kaso ‘di ako nakuha, na-reject ako. Dahil ‘di raw ako marunong,” paliwanag ni Pacquiao na naging dahilan upang siya ay makipagsapalaran sa professional boxing na natuloy sa kanyang pagsikat sa buong mundo.