Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na natanggap na nito ang verified explanation na isinumite nig former Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin tungkol sa kanyang employment status sa Ateneo de Manila University (ADMU).

“The hearing shall proceed on Monday, June 29, where Mr. Baldwin is expected to appear,” ayon sa DOLE.

Una nang naglabas ng subpoena ang DOLE kay Baldwin noong Hunyo 15 kung saan binigyan ito ng Kagawarang ng 10 araw upang ipaliwanag ang kanyang work permit status sa ADMU.

Ito ay matapos ang malagim na pagk@matay ng dalawang student-athlete ng ADMU na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa ginanap na team building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8 sa pangangasiwa diumano ni Baldwin, na isa umanong mamamayan ng New Zealand at United States.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *