Nanawagan ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Supreme Court (SC) na agarang resolbahin ang mga nakabinbing petisyon kaugnay ng mga kinahaharap na kaso nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa International Criminal Court (ICC).
Iginiit ng partido na halos 600 araw nang nakabinbin ang mga petisyon para kay Duterte matapos utusan ng SC ang mga respondents noong Marso 13, 2025 na magpaliwanag kung bakit hindi dapat ipagkaloob ang writ of habeas corpus sa petitioner.
“The petitions have since been pending… The writ’s history in this Court during martial law reminds the nation what delay can cost,” saad ng PDP-Laban sa kanilang open letter para sa korte.
“Senator dela Rosa’s petition is no less urgent, for here delay risks bloodshed,” dagdag pa nito.
Nilinaw naman ng PDP-Laban na hindi nito hinihiling na pumanig sa mga petisyoner o sa pamahalaan ang Korte Suprema.
“PDP LABAN seeks no shield for anyone, our own members included,” ayon sa partido.
“Let there be a ruling, so that force never answers what only law should,” dagdag pa nito.
