Tinawag ni prosecution counsel Atty. Lorna Kapunan na “premature” ang paghahain ng petisyon nina Senator-Judges Robin Padilla at Bong Go na kumukuwestiyon sa revised interpretation ng Senate impeachment court sa voting threshold ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Premature ngayon kasi matagal pa ang botohan… ‘yung mga hindi present maaaring maging present at the time of voting, at maa-achieve two-thirds vote,” ani Kapunan.
Iginiit ni Kapunan na maaari pa namang mabago ang komposisyon ng Senado sa araw ng final voting ng impeachment court.
“Ang order ng presiding officer, two-thirds of all those who can be present and without any legal or physical disability or obstacle to their voting,” sabi ni Kapunan.
“Baka all of a sudden mag-appear si Bato (Dela Rosa) at bumoto. Or bumalik si Sen. Loren (Legarda) at magaling na. Or naka-bail si (Sen. Rodante) Marcoleta tsaka (Sen. Jinggoy) Estrada,” dagdag pa ni Kapunan.
Tatlong buwan nang naka-medical leave si Legarda, nakakulong sa magkahiwalay na kasong plunder sina Marcoleta at Estrada, habang pinaghahanap naman ng batas si Dela Rosa, na wanted ng International Criminal Court (ICC).
