Ang multimedia arts student na si Erwin Dee ito ay malapit nang magbukas ng bagong car-booking app na mas mura kaysa sa iba online car-booking services.
“Back in late December of last year, may nakita akong posts sa TikTok na nami-miss daw nila ‘yung Uber days. For the Gen Zs who don’t know, Uber rides that time were cheap,” mababasa sa sinulat ni Erwin, na naglalarawan kung paano niya sinimulang isipin ang ideya ng “Tara,” ang kanyang bagong likhang car-booking application.
“I thought, ‘What if gumawa ako ng ride-hailing app? What if may solution para gawing cheaper ulit ‘yung fare?’” dagdag pa ni Erwin.
Sa background sa programming, ipinakilala ni Dee ang “Tara,” isang car-booking app na magiging budget-friendly at magbibigay ng 100 porsiyento ng pamasahe sa mga driver upang sila ay maging “independent” sa kanilang operasyon
“’Tara’ is not just another ride-hailing app that tries to be everything for everyone. ‘Tara’ is the beacon of change the ride-hailing industry has been waiting for,” ang ginawang paglalarawan ni Erwin sa app sa kanyang post sa Facebook.
Idinagdag niya na ang booking fare ng Tara ay magiging mas mura sa pamamagitan ng pagsunod sa standard fare matrix ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang babayarang surcharge.