Handa na ba mga ka-Filo CARAT!

Magbabalik sa bansa ang K-pop powerhouse SEVENTEEN para sa Asian leg ng “Follow” tour sa Enero 2024.

Ang 13-member ay magtatanghal para sa Filo CARATs sa Enero 13 sa 20,000-seater Philippine Sports Stadium, ang outdoor venue sa tabi ng Philippine Arena sa Bulacan.

Sinabi ng concert promoter Live Nation na ilalabas nito ang mga presyo ng tiket, mga alituntunin sa pagbili, at mapa ng konsiyerto sa lalong madaling panahon.

Nakatakdang magbalik ang SEVENTEEN kasama ang kanilang ika-11 mini album sa Oktubre.

Magsasagawa rin ng concert ang SEVENTEEN sa Bangkok sa Dec. 23, 2023 at Macao sa Enero 20 at 21, 2024.

Noong 2022, nagtanghal sina S.Coups, Jeonghan, Joshua, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, The8, Mingyu, DK, Seungkwan, Vernon, at Dino para sa kanilang mga Pinoy fans hindi isang beses, hindi dalawang beses, ngunit tatlong beses na pagtatanghal ng “Be The Sun” tour na ginanap sa Manila at Bulacan.

Tila nag-enjoy ang mga miyembro sa kanilang oras sa Pilipinas habang nag-i-Instagram para ibahagi ang kanilang mga kakaibang karanasan.

Nandiyan si Mingyu na nag-post tungkol sa ating makabuntong-hinga na Manila Bay sunset view at nag-try out pa ng theme park rides, habang sina Joshua at DK ay nag-enjoy ng ilang amusement rides sa SM MoA Seaside.