Inaprubahan ng Central Visayas Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) ang ₱33 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong Setyembre 13.
“It provides an increase of ₱33.00, bringing the daily minimum wages in Class A to C areas to a range of ₱420.00 to ₱468.00 for non-agriculture establishments and ₱415.00 to ₱458.00 for agriculture and non-agriculture establishments with less than 10 workers,” pahayag ng DOLE.
Magkakabisa ang naturang taas-sahod sa Oktubre 1.
Ayon sa naturang kautusan, tataas na ang sahod ng mga manggagawa sa tinaguriang “Class A areas” mula ₱435 patungong ₱468 para sa non-agriculture establishments, at mula ₱425 patungong ₱458 para agriculture at non-agriculture establishments na may bilang ng mga manggagawang mas mababa sa 10.
Saklaw ng wage order ang mga siyudad ng Carcar, Cebu, Danao, Lapu-Lapu, Mandaue, at Naga; at mga bayan ng Compostela, Consolacion, Cordova, Lilo-an, Minglanilla, at San Fernando sa Cebu.
Para naman sa “Class B areas,” gaya ng mga lungsod ng Bais, Bayawan, Bogo, Canlaon, Dumaguete, Guihulngan, Tagbilaran, Talisay, Tanjay, at Toledo, tumaas ang sahod ng mga manggagawa sa non-agriculture establishments, mula sa dating ₱397 patungong ₱430, samantalang nasa ₱425 na ang sahod ngayon ng mga non-agriculture at agriculture establishments mula sa dating ₱392.
Sa mga manggagawa sa “Class C areas,” o sa nalalabing bayan at lungsod sa Central Visayas, tatanggap na ng arawang sahod na ₱420 ang mga nasa non-agriculture establishments samantalang ₱415 ang nasa non-agriculture at agriculture establishments.