Iminungkahi ni dating Agriculture Undersecretary Fermin Adrian na bawasan ang buwis sa imported na bigas para bumaba ang presyo nito.
Paglilinaw ni Adriano, hindi maaaring magpasa ng batas na kokontrol sa presyo ng bigas dahil kailangang makipaglaro ka sa “law of supply and demand.”
Aniya, ang tanging magagawa lamang ng gobyero ay ibaba ang buwis sa inaangkat na bigas mula 35 porsiyento patungong 10 porsiyento.
“There is no compelling reason why we should keep on exacting tariffs, if we lower the tariff then rice imports will become cheaper,” paliwanag ni Adriano sa programang The Final Word ng CNN Philippines.
Sa katunayan, dapat pa ngang sisihin ang pagdami ng imported na bigas sa merkado sa pagtaas ng presyo nito, saad ni Adriano.
Setyembre 1 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order 39 na nagpapatupad ng price cap sa well-milled at regular milled rice dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo nito.
Samantala, sinabi naman ni Adriano na patuloy ring dumadausdos ang produksyon ng palay sa bansa sa kabila ng pagbubuhos ng sapat na pondo sa Department of Agriculture.
Hindi rin aniya makaagapay ang supply ng lokal na bigas sa pangangailangan ng populasyon.